Palad
September 14, 2008
Sa ‘yong mga kamay, ako’y sumusuko
Ipinapatong sa ‘yong mga palad aking mga palasong nag-aapoy
Hahayaang tangayin ng ‘yong mga higanteng alon
Itong damdaming hitik sa tamis ng pinagsamang sikat ng araw
At hiwaga ng buwan.
Panonoorin kita habang ‘yong binububo ang ‘yong mga pangako
Sa aking paanang hindi alam ang mamahinga
Pagmasdan mo ako habang ako’y nagpipinta gamit aking mga luha
Mga perlas na nagmula sa aking mga matang magmula ngayon
Ikaw na lang ang nakikita.
Magkadaupang-palad nating lakarin ang ginintuang sinag ng araw
Hanggang sa dulo ng bahagharing hindi natin matutunton nang hindi magkasama.